Sunday, December 26, 2010

Mga Eksena sa Jeepney

Bakasyon kaya okay lang gumala. Kailangang samantalahin ko ang aking Christmas vacation! Aba, ito lang yata ang natatanging taon simula nung nagsimula akong magtrabaho na dire-diretso akong magbabakasyon. That is what? Seven years ago? Haaay! Ito lang ang pagkakataon ko para mag-leave at ma-enjoy ng dire-diretso.. Buti na lang at wala akong critical na produkto. Hehehehe. Uhmmm.. I'm keeping my fingers crossed.. Hahahaha! Sana maging matahimik ang Motorola hanggang matapos ang bakasyon ko.. If not, well, tingin ko makakatanggap ako ng overseas na tawag mula sa boss ko... Knock on wood... Hehehehe!

Anyways, kasama sa way ko nang pag-e-enjoy ang paggala... Sa mga hindi nakakakilala sa kin... Mahilig akong mag-window shopping.. Sorry sa mga saleslady, hindi ako madaling ma-salestalk... Hahahaha! (Sana walang saleslady/salesman na makabasa nito.. :)) Speaking of gala, wala pa akong pambili ng caroosh kaya commute ever ang drama ng lola nyo.. Hindi ako madaling makatulog sa byahe katulad ni Aling Dora, kaya observe chuvaness lang ang emote ko habang nasa loob ng mga pampublikong sasakyan. :)

Yah, well, sumakay kami ng Ate ko ng jeep kanina. Pumwesto kami sa may bandang dulo, bakit kanyo? Bukod sa madaling bumaba, para din hindi kami maging parang alalay ni Manong Driver na tagaabot lagi ng bayad. Haay... Aminan man natin or hindi, kapag sa naupo sa may bandang likuran ni Manong Driver sa ayaw mo man or hindi.. meron kang implied RnR na mag-abot ng bayad. Wala kang maririnig kungdi.. "Makiabot nga po ng bayad!" Tapos, ikaw bilang mabuting nilalang... aabutin mo ang bayad at iaabot kay Manong Driver, at kung buo pa ang pera ng pasaherong nakiabot sa iyo ng bayad, naturalmente, ikaw na din ang mag-aabot ng sukli. Nyirks! Minsan pa pag nataong konti na lng kayong sakay ung tipong nasa kabilang dulo ung bagong sakay na pasahero... hindi pa sya lalapit para abutin ang kanyang bayad... Ang gagawin nung ibang taong walang pakundangan eh sisigaw... "Makikiabot nga po ng bayad!" Ang pobreng tao na malapit kay Manong Driver ulit ang mag-aabot ng bayad. Kaasar nga kung minsan! Haaay! Minsan nakakaisip ako tuloy ng mga strategies na pwede kong gawin para hindi ako makapag-abot ng bayad. Hehehe... Bigay ko sa inyo ung iba kong mga ideas na pwede ninyong magamit..
  • Magkunwaring nakatulala.
  • Magkunwaring nakatingin sa labas. Kailangan magmukhang talagang sobrang absorbed kayo sa tinitingnan nyo. Or pwede ding ung parang hinahanap nyo kung saan kayo bababa.
  • Maglagay ng earphones at umindak-indak, para kunwari wala kayong naririnig na iba kundi ang MP3 sa CP nyo (or sa mga high levels, iPod)
  • Magtulug-tulugan. (Eto na sa tingin ko ung pinakada-best na pwede ninyong gawin. Unless talagang kaiba ung pasehero sa tabi nyo na nagpapaabot ng bayad na to the point na gigisingin talaga kayo. 
Bukod sa strategy ng pag-upo sa may bandang hulihan, iniisip din namin ung pwesto kung saan nandun ung sikat ng araw. After nun, pag nakasakay na ko, second kong iniisip kung paano ako papara... like kung "Pull the String to Stop!" ba or "Katok sabay sabi ng "Mama, please make para sa kanto?"" style ba?

Minsan sa haba ng byahe naiisip ko din pano kung halimbawang may mga mangholdap bigla? Sus! Huwag kayong matawa. Nangyayari ang mga ganito sa totoong buhay. Kaya naisip ko, kailangang maging handa ako! Naisip ko itong mga bagay na ito na pwede kong gawin... 
  • Kung nakasabit sa estribo ung snatcher (meaning wala syang hawak na kahit anong patalim..) pwede kong hawakan ung kamay nya tapos sisipain ko sya para mahulog sya sa estribo... hindi ko sya bibitawan para makaladkad sya ng jeep.. 
  • Kung meron naman dalang baril or patalim ung holdaper, tapos kung puno ung jeep ang gagawin ko naman eh hahawakan ko ung kamay nyang may hawak na baril, pagkatapos iiikot ko ung kamay nya para ma-twist, tapos pag nasaktan sya, ihahampas ko sa bakal ung kamay nya para mabitawan nya ung dala nya (kung hindi nya nabitawan habang sa pag-twist ko ng kamay nya) tapos sisipain ko sya dun sa mga tao sa gitna ng jeep. Para bugbog sarado sya! 
  • Then, kung marami naman sila tapos sa may bandang unahan sila naka-pwesto, at ung mga tipong nasa bandang mataong lugar ang nadadaanan ng jeep... ang gagawin ko naman eh dahan-dahang umeskapo at humalo sa karamihan ng tao.
  • Syempre, pag nagkabiglaan na at natulala ang lola nyo, eh di give na lang ang wallet at mga alahas.
Well, kaya nga sa mga commuters dyan, iwasang magsuot ng mga alahas in public. Sa limang taon kong pag-aaral sa Manila, awa ni Lord, hindi naman ako nanakawan or na-snatch-an! Knock on wood ulit. Naisip ko kung bakit kaya? Hehehe... Eto ung mga naisip kong normal kong ginagawa... 
  • As much as possible, huwag matulog sa byahe. Mabangong prospect kayo ng mga magnanakaw kapag nagkataon.
  • Kung maaari, iwasang magsuot ng alahas. Mainit sa mata ang mga alahas, kapag na-snatch pa ung hikaw mo or kuwintas, gulay gosh! magkakasugat ka pa!
  • Low profile ka dapat kung nagco-commute ka. As much as possible, mas maganda ung mukhang wala kang pera. Iwas nakaw un for sure. Well, gusto ko sanang i-suggest na kung keri niyong magmukhang marungis, mas okay un. Un, sure ball! Walang tatalong holdaper sa inyo! Hehehehe.. Suggestion lang  naman un... :)
  • Iwasan ang paglalakad sa madilim at walang katau-taong lugar. Kapag may nangyaring hindi kaiga-igaya sa inyo, wala kayong pwedeng mahingan ng tulong. 
  • Maging alerto. Kapag medyo kinakabahan kayo.. Mag-relax at kalmadong pumara sa sasakyan. Sumakay na lang ulit kayo. Mas maigi na ito kaysa sa buong byahe kang kinakabahan. Minsan kasi iba ang sinasabi ng instinct ng tao. 
  • Kapag naliligaw kayo lalo na kung kayo ay nag-iisa, huwag magtanong sa kung kani-kanino lamang. Tandaan na hindi lahat ng tao sa paligid natin ay mabuti. Magtanong sa mga gwardiya para sigurado kayo. Huwag ding magpahalata na kayo at nawawala or naliligaw, iwasang magpalinga-linga. Kalmahin ang sarili. Kung meron kayong dalang mapa, magpunta sa isang lugar kung saan discrete mong matitingnan ang dala mong mapa (e.g. CR). Mas makabubuting hindi mahalata na ikaw ay naliligaw para hindi mabiktima ng mga taong mapagsamantala.
  • Kung nakakaramdam ka nang hindi maganda at hindi ka makaalis sa isang lugar or sasakyan, patagong humawak ng bagay na matatagpuan sa bag mo na medyo matulis or alam mong pwedeng makasugat (e.g. bolpen na walang takip, lapis, susi, etc). Maigi na ang maingat! Kung hindi man totoo ang instinct mo, wala namang mawawala. At least handa ka sa worst case scenario. :)
  • Kung hindi nyo talaga kayang hindi ibandera ang inyong mga mamahaling gamit, (e.g. bag) ilagay muna ito sa plastic bag. 
  • As much as possible, ung pera nyo, ilagay nyo sa iba't ibang lalagyan. Para magkadukutan man, hindi tangay ang lahat ng pera nyo, meron pa kayong ibang pera sa ibang lugar. Nung nag-aaral ako nung college, dalawa ang lalagyan ko ng pera, isang coin purse kung saan nakalagay ung pamasahe ko at mga barya, at ung isa kong wallet un ung pangkain ko. Bukod pa ung iba kong pera na nakalagay sa bulsa ng slacks ko. Ang purpose ko ng dalawang lalagyan ng pera is para if ever may holdapang mangyari, ung coin purse ang ibibigay ko. ;)
  • Iwasang makita ng iba ang pagkuha mo ng pera sa wallet mo pata hindi nila makita kung saan parte sa bag mo ilalagay. Mas mabuting, ilagay na ung pamasahe nyo sa isang coin purse or sa bulsa ninyo. Gumamit ng bag ng may secret pocket para meron kayong safe na lugar na pwedeng paglagyan ng mahahalagang gamit. 
  • Iwasang idisplay ang mga mamahaling gamit at gadgets. Again, mainit sa mata ang mga ito. Easy subject na naman kayo ng mga repapips na holdaper nyan. 
Makakatulong ang mga tips na yan... Normal kong ginagawa ang mga ito sa araw-araw. 

Hahahahaha! Malayo na pala ang narating ng diwa ko... Ilang minuto pa lang tumatakbo ung jeep. Anyways, balik tayo sa mga eksena sa loob ng jeep.. 

May natanaw ako sa loob ng jeep. Tinitigan ko sya.. Hmmmnn.. Dun sya sa may likuran ng passenger side nakaupo, bale katapat nung nasa likuran ni Manong Driver.. Tinitigan k ulit sya... Sorry na... Na-confuse talaga ako... Kuya ba sya? Or Ate? Haay... confusing kasi talaga ung looks niyo.. Bultong lalaki... pati profile ng mukha... Pero ung damit nya pang-babae naman... Hindi ko matanaw ung paa nya at kamay kaya hindi ko talaga ma-pinpoint. Anyways, later na lng cguro... Heheheh... 

Umandar na ng konti ung jeep.. Tumigil ng konti.. tapos may dalawang kabataang lalaking sumabit sa estribo.. Sa may tapat ko, merong dalawang magkapatid na babae din... Nagbayad ung isa sa dalawang kabataang lalaki... "Ma bayad po!" Aba! Nakita ko si Kuya, may future! Gwaping! Tapos, nakita ko ung mas batang babae sa tapat ko... Hahahahaha! Parang nag-spark ang mata nya! Kaching! Kaching! Ahhh... Parang na-mesmerize ata si Ate kay Kuya... Ang Ate ko, inayos ang mahabang buhok at binasa ang mga labi... Yeesshh! Ang sabi sa mga magazines, tanda daw ito ng attraction na parang unconsciously, un ang nagiging reaction ng mga babae - aayusin ang buhok, iipit sa may tainga. Yah, well, malamang nga! Mga ilang minuto din un... Nasawa akong mag-observe sa crushness ni Ate kay Kuyang nakasabit sa estribo. Sus! 

Meron naman akong naamoy. Alam ko ung amoy na un eh... Burger un... Ung parang buy1-take1 na promo...    Tiningnan ko ung katabi ko, tama nga burger! Nakakaasar lang kasi yan ung amoy na kumakapit sa damit at sa buhok. Sa direction ko pa naman nakapaling ung hangin. Yikes! Goodluck sa hair ko! 

Tinigilan ko ang pagrereklamo sa sarili ko about sa amoy ng burger. Okay na lang din... Tutal Christmas naman... Ung makakaamoy naman siguro ng buhok ko eh maiisip din un... at kalimutan nyang burger-scented ung gamit kong shampoo... Wehehehehe.... Anyways, tapos na ang issue ng burger scented shampoo... Hinayaan ko na lng un... Napatingin ako sa may bandang tapat ko ulit... katabi ni Ateng-nagka-crush-kay Kuyang-nakasabit-sa-estribo ung isang mamang may kalong na bata. Yah, well, ito pa ang isang napansin ko sa mga taong may kalong na bata. Aba! Kinalong nga ung bata pero sobrang nakabuka din ung hita! So ang ending, nagbabayad sila ng para sa isang katao pero almost dalawa ung inookupa nilang space... Haay! Tao nga naman... Tapos eto pa... Pagtingin ko dun sa tapat ng sister ko, nakita ko naman ung lalaki din na nakaupo... wala syang kasamang bata pero super bukaka din ang pagkaka-upo... Isa pang haaay! 

Then nagpaabot ng bayad si Mamang-walang-kalong-na-bata, "Ma, bayad ho! Paradahan lang!". Eh di, nakipaabot ng bayad. Binigay ni Manong Driver ang sukli. Tapos sinundan ko ng tingin hanggang makuha ni Mamang-walang-kalong-na-bata ang sukli nya. Tapos ba naman, nakita ko ung pisong kasama sa sukli nya... Inilagay nya sa tainga nya... Josme! Pambihira! Hindi ba nya alam na dirty ang pera at maraming ge-ge-germs?!? Sya, sya, sya... Tainga naman yun at hindi sa kin... Haaay... 

Sobrang nagkakasala na ko... kaya sinubukan kong tumingin na lang sa may bantang labas... Okay na sana... Kaya lng ung babaeng katabi ko naman na kumakain kanina ng burger.. Aba! eh ung mala-latigo nyang buhok eh humahampas na sa face ko? Pambihira! Bakit ba ung mga babaeng may mahabang buhok naman kapag nasa byahe naman... Maano bang mag-pony naman... Josme! Ayos lng sana kung sa mukha nila nahampas ung buhok nila! Kaso mo sa iba eh! Haayyy! Buti naman at inayos nya... hinawakan ng kamay... Haay naku! 

Tinuon ko na ulit ang paningin ko sa labas ng jeep.... Well, malnourished ang mga baka! May kambing na kulay baka! At may daang parang may zebra design pattern na ginamit sa pag-a-aspalto... Malakas ang hangin sa labas.. 

"Mama, para na po!" narinig ko na lang... Dali-daling bumaba si Ateng-parang-Kuya.. Tiningnan ko sya habang palapit sya sa pwesto ko... Hindi ko pa rin makita ang paa... Naka-rubber shoes pala sya.. Ung kamay hindi ko din makita... Muscles lang sa braso ang talagang nakita ko... Hehehehe... Anyways, deadma na kung Ate or Kuya sya or Kuyang-Ate or Ateng-Kuya... 

Titingin na lang uli ako sa labas... Christmas pa naman... Hehehe... :)



No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...