Bakasyon kaya okay lang gumala. Kailangang samantalahin ko ang aking Christmas vacation! Aba, ito lang yata ang natatanging taon simula nung nagsimula akong magtrabaho na dire-diretso akong magbabakasyon. That is what? Seven years ago? Haaay! Ito lang ang pagkakataon ko para mag-leave at ma-enjoy ng dire-diretso.. Buti na lang at wala akong critical na produkto. Hehehehe. Uhmmm.. I'm keeping my fingers crossed.. Hahahaha! Sana maging matahimik ang Motorola hanggang matapos ang bakasyon ko.. If not, well, tingin ko makakatanggap ako ng overseas na tawag mula sa boss ko... Knock on wood... Hehehehe!
Anyways, kasama sa way ko nang pag-e-enjoy ang paggala... Sa mga hindi nakakakilala sa kin... Mahilig akong mag-window shopping.. Sorry sa mga saleslady, hindi ako madaling ma-salestalk... Hahahaha! (Sana walang saleslady/salesman na makabasa nito.. :)) Speaking of gala, wala pa akong pambili ng caroosh kaya commute ever ang drama ng lola nyo.. Hindi ako madaling makatulog sa byahe katulad ni Aling Dora, kaya observe chuvaness lang ang emote ko habang nasa loob ng mga pampublikong sasakyan. :)
Yah, well, sumakay kami ng Ate ko ng jeep kanina. Pumwesto kami sa may bandang dulo, bakit kanyo? Bukod sa madaling bumaba, para din hindi kami maging parang alalay ni Manong Driver na tagaabot lagi ng bayad. Haay... Aminan man natin or hindi, kapag sa naupo sa may bandang likuran ni Manong Driver sa ayaw mo man or hindi.. meron kang implied RnR na mag-abot ng bayad. Wala kang maririnig kungdi.. "Makiabot nga po ng bayad!" Tapos, ikaw bilang mabuting nilalang... aabutin mo ang bayad at iaabot kay Manong Driver, at kung buo pa ang pera ng pasaherong nakiabot sa iyo ng bayad, naturalmente, ikaw na din ang mag-aabot ng sukli. Nyirks! Minsan pa pag nataong konti na lng kayong sakay ung tipong nasa kabilang dulo ung bagong sakay na pasahero... hindi pa sya lalapit para abutin ang kanyang bayad... Ang gagawin nung ibang taong walang pakundangan eh sisigaw... "Makikiabot nga po ng bayad!" Ang pobreng tao na malapit kay Manong Driver ulit ang mag-aabot ng bayad. Kaasar nga kung minsan! Haaay! Minsan nakakaisip ako tuloy ng mga strategies na pwede kong gawin para hindi ako makapag-abot ng bayad. Hehehe... Bigay ko sa inyo ung iba kong mga ideas na pwede ninyong magamit..
- Magkunwaring nakatulala.
- Magkunwaring nakatingin sa labas. Kailangan magmukhang talagang sobrang absorbed kayo sa tinitingnan nyo. Or pwede ding ung parang hinahanap nyo kung saan kayo bababa.
- Maglagay ng earphones at umindak-indak, para kunwari wala kayong naririnig na iba kundi ang MP3 sa CP nyo (or sa mga high levels, iPod)