Thursday, April 15, 2010

BILY Movie Date with Emme

Haayy... May lakad ang Ate ko nung Sunday morning.. Imi-meet niya ung mga high school friends niya... Syempre naman, ayaw kong magpatalo.. Hehehehe! Kailangan gumawa din ako ng sarili kong lakad... And Tiiinnng!!!  Bigla kong naisip si Emme - ang bestfriend ko duon... Hehehehe!!! Sana!! Sana lang nasa bahay siya... Ito ang naiisip ko habang nagte-text ako sa kanya... 

Text Conversation: 
Melai: Em, bhay k? N0od tyo ng babe i l0ve u ngaun
Emme: Cge.wat tym?
Melai: Keri mo ba mga 1130? Kta tyo sa mcdo.


Medyo matagal ung reply ni Emme... at dahil need ko na ng sagot... tinawagan ko sya... And we agreed to meet mga 12NN sa usual tagpuan namin sa may McDo. 

We agreed to go to SM Dasma to watch the movie BILY (Babe, I love You)... Medyo in doubt si Emme dito.. pero well... curious akong panoorin ung movie... So what if tingin ng iba na isa akong jologs! Hahahahaha! Who cares? Carebears! Hahahahaha! 

When we arrived, we go directly to the movie house.. chineck ang list ng movies na showing at chineck ang mga schedules... 1:25PM nagstart ang BILY.. eh 1:30PM na! then ung next na sched is past 3PM na... which is late na sa tingin ko... ung Clash of the Titans naman 1:35PM... then nakita namin ung nakalagay sa Cinema1 na hindi pede ma-late and you need to arrive 5mins before the scheduled time (hindi ko matandaan kung ano ung right term.. pero un na un.. ) So napagdecide-an namin ni Emme na if ganun sa lahat ng cinema... well.. kung aabot kami.. dun na lang kami sa Clash.. Ako ang nakapila para bumili ng tickets... habang si Emme ang nagtanong sa mga tagabantay sa sinehan if pwede bang pumasok past schedules showing time... mabuti na lng.. ung cinema kung saan showing ung BILY eh hindi pla mahigpit... kaya Go! Go! Go! BILY na... hahahahaha! Wala daw hotdogs na available dun sa bilihan ng popcorn kaya bumaba na lng kami para bumili... Hotdogs, popcorn and 16 oz of Black Pearl's Mocha Frappe and off we went to the cinema to meet Sam and Anne... Hheheehe.. 

After ng movie.. We decided to make gala ng konti para makapaghanap ng new outfit si Emme... Then.. Dinner at Karate Kid... Tapos... kuwentuhan habang uwian... Here are the pics..






Kita-kits Highlights:
  • Hindi na naman matching ang suot namin... kung ung last na gimik namin... naka-pormalin ako... ngaun naman sya ang ganun... at ang attire ko naman eh pamalengke outfit na siya namang outfit nya nung last time... hahahahaha! Kailangan na naming magcalibrate sa outfit next time.. 
  • "Seatbelt please!" >>> may naalala si Emme.. Hahahahaha! 
  • Ito ang second time na ang kasama ko ang nag-enjoy sa movie... Feeling ko mas naging happy si Emme kaysa sa kin... Mas naka-relate nga ba?? 
  • Ang inaabangan ko talaga sa movie eh ung kanta ni Piolo... "You know it's you babe... whenever I get weary and I've had enough.. feel like giving up...  Babe, I love You!" hahahahaha! Bakit ba? 
  • Nung nanonood kami... tawa kami nang tawa dahil sa sobrang kakornihan... hhahahaha!
  • Tapos... nakita ko na andami din palang lalaking nanonood ng ganun... hindi ko alam kung trip talaga nilang manood or napipilitan lng dahil gusto ng mga GF/asawa nila.. hehehehe.. 
  • Antagal namin pumila sa bilihan ng popcorn habang nasa pila iniisip namin kung anong klaseng hotdog ang bibilhln namin (footlong ba? bacondog?) only to find out later na after naming pumila ng mahaba eh WALA PALANG AVAILABLE NA HOTDOG!! Hehehehe.. 
  • Inisip namin ni Emme kung bakit "Babe, I love You" ang title ng movie... Eh hindi naman sila nagtawagan ng Babe or anything... hehehhe! 
  • Super aliw si Emme sa parang Buy1 Get1 Item of the same price... nakabili sya ng haltered blouse with matching shoes! hahahaha! Good buy na! 
  • Nagscout din kami ng shorts na gagamitin ni Emme para sa outing-outingan nila.. hehehe... feeling ko isa akong Fashion Guru... hahahaha... 
  • Salamat kay Emme para sa www.wattpad.com.

Looking forward ulit sa muling kita-kits!!!!! 

7 comments:

  1. hahaha... i super love this blog...
    alam mo ung naiisip ko or nagrereplay sa utak ko ung nangyari last sunday... hehehe...
    it's super relaxing, enjoy, saya to the max tlga... hope maulit....
    at tama bang ilagay na may naalala ako sa seatbelt scene??? hehehe
    nakarelate ba ako? di nman masyado...hehehe

    looking forward din ako syempre sa mga susunod na kitakits... ;-)

    ReplyDelete
  2. hahahaha! syempre... tinandaan kong mabuti na nagreminisce ka sa "Seatbelt please!" na scene nina Sam at Anne... hahahahahaha! at syempre... nagamit ko na ang wattpad.com.. may nadownload na akong ibang Nora Roberts na pocketbooks... hehehehe... tenchu tenchu! :)

    ReplyDelete
  3. hindi ko pla naisama na inisip natin kung bakit "Babe, I love You" ung title nung movie.... edit ko nga para maidagdag... hehehehe... :)

    ReplyDelete
  4. oo nga pala... buti pinaalala mo... try mo din jan ung kay judith mcnaught...
    my personal favorites ung paradise, double standards saka until you... :)

    ReplyDelete
  5. cge... check ko din... hahahaha! day shift ka nga pla ngaun... :)

    ReplyDelete
  6. korekek... hehehe.. 3 hours lng tulog ko, kumusta nman... bawi na lng ulit bukas... hehehe

    ReplyDelete
  7. korek! magpahinga ka na lng ng bonggang-bongga tom... ;)

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...