Tuesday, April 27, 2010

Inay Lorraine's Surprise Birthday Bash

April 23 marks the birthday of our beloved Inay Lorraine - ang aming dakilang mentor at ina-inahan sa office.. And we think that now is the best time to show her our love for her... HAPPY BIRTHDAY INAY! 


April 22: Surprise Birthday Prep:

April 22 AM: The "anaks" decided to have a surprise birthday party for Inay. We have gathered some inputs and came up with an initial plan. Buti na lang naka-leave si Inay so makakapag-meeting kami ng hindi masyadong halata... Hehehehe.. 

AR's: (as captured from Linda's email)
  • Melai - presentation kay Inay (gandahan mo ha)
  • Icey - baloons - konti lang (5pcs puede na)
  • Cake - 2 pcs 1060pesos - bake and churn (strawberry and ??) c/o Erick
  • Coke - 4pcs c/o Luz
  • Room 207 c/o Nino (10AM start)

Additional activities: 
  • We then decided to add flowers to the list and initially thought of having the guys dance with Inay during the initial portion of the celebration. 
  • We requested Chai to call Tatay Ed (ang butihing mister ni Inay) to check with him on Inay's favorite flower. Tatay Ed told us na sya na daw ang bahala dun. And then we told him that we will call him the following day maybe between 10-11AM to get his personal message for Inay
  • We had the dilemma of who will bring Inay to the venue of the surprise party. 
Option #1: Linda
Melai: O Linda, kaw na lng magdala kay Inay sa venue ha... AR mo na yan... Parang sabihin mo na lng na samahan ka sa meeting.. 
Linda: Naku.. Hindi maniniwala si Inay nun... 
Melai: Bakit naman? 
Linda: Alam ni Inay na kaya ko pumunta ng meeting ng mag-isa... 
Melai: Naku! OO nga pla... 
(Option #1 INFEASIBLE! Melai and Linda isip-isip ulit..)


Option #2: Gerley
(Melai and Linda sa cube kausap si Gerley)
Melai: Gerley, Kaw na lng may AR nun?
Gerley: Nang alin 'Te?
Linda: Kaw na lng ang magsama kay Inay sa 207.
Melai: Sabihin mo na lng na meron kang need na puntahan ng meeting na need mo sya na kasama.
Gerley: Naku 'Te, baka mapagalitan ako ni Inay... Hehehehe.. 
(Alex narinig ang usapan ng tatlo.)
Alex: Dapat ung kuhanin niyo ung hindi nyo ka-group.. Para di masyado magduda si Inay... Hmmm.. Si Bhetty kaya???
Melai/Linda: Korek! Cge, kaw na bahala dun 'te ha!
Alex: Cge ako na magsabi kay Tsang (Bhetty)! 
Option #3: Bhetty 
(Si Tsang Bhetty ang last option... AR ni Alex na sabihin kay Tsang ang plan at si Tsang na ang bahala kung pano nya dadalhin si Inay sa rm 207) 
  • Dahil ang AR na napunta sa 'kin ay ang presentation... Well, kailangan kong i-check kung ano ang pede kong gawing theme.. Nagsend ako ng email sa sangkatauhan para sa mga birthday messages nila para kay Inay. Kinausap ko din si Chai para sya magsend ng email dun sa ibang mga "anak" ni Inay na hindi na namin kasama sa office ngaun... 
  • Nagcheck kung anong cake ang pede order-in...
  • Nag-decide na gawin na lng ung "Surprise" ng 10AM since ang alam namin eh magpapakain si Inay ng pandesal at pansit sa hapon dahil sya ang nanalo as "Best Stretching Leader for Q1"...  

April 22 PM:
  • Si Ate Luz ang namahala sa "gift" namin kay Inay.. 
  • Nagpunta sina Linda sa cafeteria sa baba para magpareserve ng cake.. 3 initially ung plan namin... Then bili na lng ng Burger McDo ng mga 9AM ng Friday... 
  • Bumili na rin sina Linda ng drinks at itinago nila sa drawer ni Gerley...
  • Nagdownload ako ng mga clip-arts na gagamitin ko para sa Powerpoint ng messages.. 
  • Nag-ask ako ng help kay Ate Chai sa song na gagamitin for the presentation.. Nakinig-kinig ng konti and then nag-decide na ung "Fireflies" na lng ang gamitin para medyo masaya naman ung beat at hindi masyadong nakakaiyak... Hehehehe... 
  • Sinave ni Kuya Rey ung ibang mga pics ni Inay sa shared drive... konti lng kasi ung napili kong photos... 
  • Tinanong ko si Jinggay kung anong ginagamit nya pag gumagawa sya nung parang MTV... sabi nya Moviemaker daw... So chineck ko kung meron ako sa laptop... Meron! Later ko na lng cguro kakapain kung pano ang pede kong gawin... 
  • We still want to bring flowers din... Kaya lng wala naman malapit na flowr shop sa min... so ang sabi ni Linda... "Check ko kung meron ako makita... pero pag wala... okay na din..."
  • Uwian na..
  • Medyo late na ko nakapag-start gumawa nung MTV para kay Inay... Nanibago ako ng konti kasi first time kong gumamit ng Moviemaker... pero okay lng naman din... prang same lng din dun sa dating gamit ko na Photo Story... Medyo nahirapan ako kung pano ko igu-group ung mga photos... nakatatlong ulit ata ako kasi nagha-hang ung mga ginagawa ko for some reason... tapos... naisip ko ung final na pede kong i-group ung mga pics... un na ung last na nagawa ko at successful naman dahil na-save ko din sa wakas... 
  • Ung sa templates na ginamit ko sa presentation.. medyo nahirapan ako kung pano ko ipe-present... ung mga clip-art's icon na na-download ko ay related sa occasion at sa mga hilig ni inay, tulad ng bday, party, strawberry, coffee at kung anu-ano pa.. Eto ung final na naisip kong cover at template style. 




APRIL 23 - Birthday na ni Inay!!!
Maraming mga naging bloopers bago ang bday ni Inay... Talaga naman... Hehehehe... 


BLOOPERS #1:
Breakfast Time: 
Scenario: 
Melai, Addie and Linda on one table eating breakfast. Ms. Jane and other peeps on the other table. 
Inay Lorraine approaching... 
Ms. Jane: Happy Birthday Lorraine! (and all of the other peeps in the table started greeting Inay)
(On the other table... )
Linda: Naku... I-greet ba natin si Inay?
Melai: Oo nga 'no... Kaya lng ang awkward naman kung hindi natin sya batiin eh dinig natin na may nag-greet na sa kanya.. 
Addie: Oo nga.. Greet na natin... 
(Inay and Buddy dumating na sa table to join Melai, Addie and Linda. Gin-greet si Inay para di obvious.. )

Tuloy lng ang kainan sa table... 
Dumating sina Betchie at lumapit kay Inay...
Betchie: Mama, kahit hindi ako kasama sa invitation pupunta pa din ako sa birthday celebration mo... May kasalanan ang isang tao sa kin dyan... Itago na lng natin sa pangalang "Dalagan"... 
(Melai, Linda, Addie nagkakatinginan... Nyaaahhh!!! Halaaaa!!! Bistado na!! Kelangan mabaling ang atensyon sa ibang bagay... Ilihis ang topic!!)
Inay: Celebration? Wala naman akong alam na ganun.. 
Buddy: Ayy... Wala naman akong nakitang calendar.. Baka ung outing sa Saturday ung nakita mo?
Linda: Oo nga.. Baka ung outing sa Saturday ung sinasabi mo.. 
(Betchie parang na-gets ang ibig sabihin namin... )
Betchie: Baka nga lola.. Cge.. Alis na ko.. 
(Betchie nag-order na ng pagkain sa canteen.. Melai, Addie at Linda nakahinga ng konti.. )


BLOOPERS #2:
Melai and Gerley sa cube.. Nag-uusap.. Tapos... 
Pok! Pumutok ang lobo na ginagawa nina Icey sa cube nila.. 
Melai: (Pasigaw) Nyaahhh! (Pabulong) Gerley, sabihin mo sa kanila.. (Pasigaw pero pabulong)Tumahimik kamo sila!!!! 
Gerley: Heheehehe... Oo... 


BLOOPERS #3: 
(Nagkakagulo sina Linda, Addie at Tina sa likuran ni Melai... Melai nagta-type ng mga messages for Inay.. Dating si Inay kasama si Alex... (Nyaahh!) Linda in-alt-tab ung laptop ni Melai... Ung screen ni Melai napunta sa Outlook..)
Inay: Hoy! Anong meron dyan ha?
(Tina in-alt-tab ulit ung laptop ni Melai... Napunta sa Powerpoint at nakita ni Inay ung ibang itsura ng message.... (Nyaaaahhhh! Yari na naman! Nagkatawanan ang tropa.. Alex inilayo si Inay papunta sa cube nina Tsang.. )
Melai: Nyah! Lalo tayong napariwara!
Tina: Si Inay kasi andito eh...
(Dumaan ulit si Inay pero solo lang sya...)
Melai: Sabihin mo si Inay kasi eh pabalik-balik.. hehehehe... 
Tina: Oo nga Inay... Dun na kayo... Pabalik-balik kasi kayo dito eh... Hehehehe... 
(Melai tuloy sa ginagawa.. heheheh..)
 

BLOOPERS #4:
(Bhetty dalhin si Inay sa Rm 207... Mariel O. dala na ung cake na sinindihan ni Linda.. Addie sumisilip sa mirror sa taas... )
Addie: Wala pa naman eh... Ayan... Naku... Parang sa kabila dumaan... 
Buddy: Ako nga.. Check ko... (Pumunta dun sa cubicle nina Inay..)
(Buddy bumalik sa 207.)
Buddy: Naku.. Bumaba nga kasama si Bhetty..
(Pinatay na ang sindi ng kandila sa cake.. Alex tinawagan si Bhetty... Sabi ni Bhetty, bumaba daw sila kasi kinuha ni Inay ung padala ng LBC... Intay pa ng konti... Call ulit si Alex.. Sabi ni Bhetty malapit na daw sila... Sindi ulit ung kandila sa cake.. Abang-abang ulit.. Biglang may kumatok at sumilip sa covered na salamin sa room..)
Somebody: Naku... sumilip si Lorraine.. 
(May kumatok.. Binuksan ni MJ ung pinto... at... nasurprise kami lahat... un pala ung taga-canteen na magde-deliver ng mga plato... tapos nandun sa likod nya si Inay!!!!! Nyaaahhhh! Palpak na naman!!!!)


Oh well... Okay lng... Diretso na... kahit di na masyado nasurprise si Inay sa tingin namin... cge pa din "HAPPY BIRTHDAY INAY!!!!!" sabay kanta ng Happy Birthday To You... Eto ang reaction ni Inay... 




Tapos... pinalabas ang mga presentations at messages... Tapos... Kainan... Late na ung barbecue.. Sina Inay at Kuya Puloy ang pumick-up sa Baliwag's... Sarrraaappp!!! 




Nakisaya at nagkagulo-gulo... (I'll post na lng more pics pag may time na ulit.. .hehehehhe..)





Ang birthday gift ni Tatay Ed!



The Birthday Girl




HAPPY, HAPPY BIRTHDAY INAY LORRAINE!!! WE LOVE YOU!!!! 





P.S.
Maaring ang ibang mga dialogues ay hindi sakto.. pero ito ay ayon sa pagkakatanda ko.. Hehehehe.. 

THANK YOU sa lahat ng tumulong sa preparations sa birthday party ni Inay... Sa mga kasabwat sa pagtatago ng presentation.. Sa lahat ng nagbigay ng mga messages.. Salamat kay Tatay Ed sa pagtulong at pagparticipate at sa pagpapaunlak sa phone patch para kay Inay... at sa mga nag-attend ng birthday bash.. Thank you all!!!! Hehehehe... (Parang ako ung may birthday ah!! Hehehehe... HAPPY BIRTHDAY ULIT INAY!!!!)

6 comments:

  1. Taga-planning nga kayo...talaga naka-detalye lahat pati conversations.

    ReplyDelete
  2. akala ko minutes yung binabasa ko!! hahahaha!!! :P

    ReplyDelete
  3. @jalex: hehehehehehe... oo nga no... :)

    ReplyDelete
  4. Grabe......... at least masaya si Inay kahit maraming bloopers! I love the flowers sobra,..... ang tweet tweet!

    ReplyDelete
  5. korak! panalo sa flowers! bait ni tatay ed! winner! :)

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...